Rep Jam Jam Baronda
Rep Jam Jam Baronda/ FB oost

ILOILO CITY – Aprubado na sa committee level sa Kamara ang isinusulong na redistricting sa lungsod ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Lone District Congresswoman Julienne ‘Jam Jam’ Baronda, sinabi nito na
hahatiin sa dalawang distrito ang Iloilo City kung saan magiging dalawa na ang ihahal na kongresista, bawat distrito ay may pitong konsehal at isa lamang ang magiging alkalde at bise alkalde.

Ayon kay Baronda, sakaling matuloy ang nasabing plano, kabilang sa 1st district ang Jaro, Mandurriao at LaPaz samantalang 2nd district naman ang Molo, Arevalo, City Proper at Lapuz.

Inihayag ni Baronda na layunin ng redistricting na mabigyan ng maraming benepisyo, programa at proyekto ang lungsod ng Iloilo.

Kasabay nito, pinabulaanan naman ng kongresista ang posibilidad na tatakbo bilang Congressman ng Iloilo City si Senate Minority Leader Franklin Drilon.