-- Advertisements --
Ikinakabahala ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang tumitinding kalagayan ng Gaza.
Kasunod ito sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza na sanhi ng pagkakasawi ng ilang daang katao.
Sa pinakahuling pag-atake ng Israel ay pumalo na sa 95 katao ang nasawi sa loob lamang ng isang araw.
Nangangamba rin ang United Nations (UN) ang pagdami ng mga masasawi dahil sa kagutuman matapos na pigilan ng Israel ang pamamahagi ng mga pagkain at gamot.
Magugunitang maraming mga bansa na rin ang nagkondina sa patuloy na ginagawang pag-atake ng Israel sa Gaza na ikinasawi ng maraming mga sibilyan.