-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 28,707 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala mayroon namang 2,579 na bagong gumaling at 15 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (128,114) ang aktibong kaso, 93.9% (2,785,183) na ang gumaling, at 1.76% (52,150) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratory ay operational noong January 7, 2022 habang mayroong 14 laboratory na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa record sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng mga laboratoryong iyon ay humigit kumulang 5.1% sa lahat ng samples na naitest at 5.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.