Inaprubahan na ng bicameral conference committee ang reconciled version ng proposed Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 bill.
Sinabi ni Sen. Sonny Angara na ang kabuuang pondong inilalaan para sa Bayanihan 2 ay P140 billion, na gagamitin sa iba’t ibang programa ng pamahalaan para sa publiko at iba’t ibang sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.
Karagdagang P25 billion naman ang inilalaan bilang standby appropriations.
Samantala, sinabi ni Angara na naresolba na nila ang contentious provision hinggil sa P10 billion assistance sa tourism sector.
Ayon sa senador, nananatiling “intact and preserved” naman ang tulong para sa tourisim industry.
Pero ilan aniya sa tulong sa naturang sektor ay mapupunta sa Labor Department para ipamahagi sa mga apektadong tourism workers.
Mapupunta rin ang ilan sa naturang pondo sa Small Business Corporation ng Department of Trade and Industry para sa ayudang ipapaabot sa tourism stakeholders, gayundin sa infrastructure programs.