-- Advertisements --
image 418

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources na mahigpit nitong binabantayan ngayon ang isinasagawang reclamation projects sa Manila Bay.

Ito ay upang alamin kung mayroon bang nalalabag ang 22 reclamation projects na isinasagawa ngayon sa Manila Bay.

Ayon kay Environment Secretary Ma. Antonia Yulo Loyzaga, kasalukuyan na nilang inaaral ngayon ang compliance ng mga proyektong nagsimula na.

Dagdag pa niya, dahil kalalabas pa lamang ng impormasyong ito ay tatawagin muna nila para sa isang technical conference ang isang entity upang pagpaliwanagin ang mga ito hinggil sa naobserbahang potential violations o non-compliance ng mga ito.

Sa ngayon ay may mga ongoing discussions na rin aniyang isinasagawa ang kagawaran sa ilang partidong may kinalaman dito ngunit sa ngayon ay tumanggi muna ang kalihim na tukuyin ito.

Kung maaalala, isang grupo ng mga mangingisda ang nanawagan sa DENR na kanselahin ang lahat ng mga reclamation projects sa bansa dahil nakakasira ito sa kabuhayan ng mga kababayan nating mangingisda.

Ngunit matatandaan din na nauna nang sinabi ni Sec. Loyzaga na hindi basta-basta nito maaaring pakelaman at dapat ay respetuhin nito ang mga legally permitted na mga proyekto nang dahil lamang sa may ilang sektor ang hindi nasisiyahan dito.