Ibinahagi ng actress na si Rebel Wilson ang karanasan niya sa pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome o PCOS.

Sa kaniyang Instagram account, inanunsiyo nito ang masamang balita kung saan nararamdaman niya ang damdamin ng mga babae na mayroong deperensiya sa kanilang fertility.

Noog Nobyembre 2020 kasi ay ibinunyag niya na mayroon siyang pcos isang hormonal disorder na nagdudulot ng pagdagdag ng timbang at hirap sa pangaganak para sa mga kababaihan.

Pinayuhan na lamang nito ang mga fans na huwag mawalan ng pag-asa at dalasan ang pagdarasal para sila ay gumaling na at magkapamilya.