Relationship goals na maituturing ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o mas kilala bilang KathNiel, ang pagbubukas ng kanilang bagong negosyo.

Full-support ang kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan sa pagbubukas ng magkasintahan sa kanilang barber shop.

Dinaluhan din ito ng ilan sa kanilang mga barkada na sina Ria Atayde, Dominic Roque, Patrick Sugui at Vivoree Esclito.

Present din ang tatay ni Daniel na si Rommel Padilla at syempre hindi mawawala sina Karla Estrada at Mommy Min.

Pag-amin ni Daniel, goal umano nila ni Kathryn ang maging business partners at subukin naman ang larangan ng negosyo. Magandang investment din daw ito para sa kanilang kinikita.

Todo pasasalamat din ang binata kay Mommy Min na nagsilbing “fountain of wisdom” ng magkasintahan.

Plano rin ng KathNiel na magbukas pa ng maraming negosyo dahil alam nila na hindi raw pang-habambuhay ang pag-aartista.