-- Advertisements --
Nominado ang actor na si Daniel Padilla bilang Outstanding Asian Star sa 20th Seoul International Drama Awards para sa kanyang pagganap bilang ”Andres Malvar” sa isang action-drama series.
Ibinahagi ng agency ng actor sa social media ang balita, habang binigyang-diin ng nito ang bagong tagumpay sa karera ni Daniel, na patuloy na humahanga sa mga manonood bilang drama at action star.
Ito na ang ikalawang sunod na taon na nominado si Daniel sa parehong kategorya, matapos ang kanyang nominasyon noong 2023 para sa ”2 Good 2 Be True.”
Magaganap ang awards night sa Oktubre 2 sa KBS Hall, Seoul, South Korea.
Gagawin sa pamamagitan ng fan voting ang pagpili ng mananalo sa Outstanding Asian Star.