-- Advertisements --

Inatasan na ng House Committee on Health ang DOH na mangalap ng impormasyon tungkol sa locally-developed COVID-19 test kits na pina-recall o pinabawi dahil sa ilang nakitang problema.

Sa pagharap ng Health officials sa video conference ng naturang komite kanina, kinumpirma ni Research Institute for Tropical Medicine (RITM) chief Clarita Carlos na ang kanilang hanay ang naka-diskubre sa sinasabing problema ng kits habang nasa gitna ng validation.

Ang proseso ng validation na ito ay ginawa matapos ang registration ng Food and Drug Administration (FDA) sa test kits na manufactured ng Manila HealthTek Inc.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, sa unang laboratory test pa lang ng local test kits ay natukoy nang sensitibo ito hanggang sa kahit pinaka-mababang level ng virus.

Pero pumasa ito sa field testing kasama ang Philippine Genome Center dahil 90-percent ang naging accuracy ng resulta nito mula sa 200 sumailalim sa field test.

Sa validation naman ng RITM, nakita na 100-percent ang cross-match ng positive results sa test kits na kinikilala ng WHO.

“For the negatives (result), the congruence was only about 80 (or) 79-percent. When were told this by RITM, I asked Manila HealthTek what the problem was, and why there’s so many indeterminate results,” ani Domingo.

“Upon investigation, they (Manila HealthTek) realized hat the reagents that they were using from overseas was contaminated and they voluntarily recalled all of the kits that they had distributed.”

Kung maaalala, inisyal na nag-manufacture ang nabanggit na kompanya nang 120,000 test kits noong Marso.

Ang 26,000 dito ay sinagot ng Department of Science and Technology at ipinamahagi sa ilang ospital. Ibinenta naman ng kompanya ang natirang 94,000 kits.

Sa ngayon nagde-develop na raw ng bagong kits ang team ni Dr. Destura ng UP dahil may mga bagong order silang reagents para dito.

Ang reagents ay chemical substance kung saan hinahalo ang samples na kinuha mula sa isang taong tinest. Doon magre-react ang samples at makikita ang resulta kung negatibo o positibo sa sakit.