Maaaring ibenta na sa merkado sa pagpasok ng Abril ang locally-developed COVID-19 test kits para mas marami ang maka-avail.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), nasa 120,000 test kits ang ginawa ng The Manila HealthTek Inc. para sa programang ito.

“A total of 120,000 test kits will be manufactured by the The Manila HealthTek Inc. The company has also reported that the first batch of reagents arrived, which will enable them to start the manufacturing process,” saad ng mensahe mula sa DOST.

Ang 94,000 ay iri-release para maibenta sa publiko.

Maaaring mabili ito sa halagang P1,300, kung saan mas mura kumpara sa tig-P8,000 na ginagamit ngayon.

“The remaining 94,000 testing kits will be sold commercially by Manila HealthTek at around P1,300 per kit which is cheaper than the units currently being used in hospitals which cost about P8,000. The Manila HealthTek said they have enough orders from the private sector who intend to donate them in turn to the Department of Health (Philippines) and hospitals,” dagdag pa ng ahensya.

Prioridad namang mabigyan ng 26,000 testing kits ang mga ospital na tinukoy para humawak ng COVID-19 patients na kinabibilangan ng Philippine General Hospital, Makati Medical Center, The Medical City, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Baguio General Hospital.

“The DOST will prioritize production of 26,000 test kits for field implementation and distribution to the Philippine General Hospital, Makati Medical Center, The Medical City, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center, and Baguio General Hospital,” saad pa ng abiso mula sa DOST.