Posibleng ilabas ngayon ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang papalit sa Jayson Castro matapos na mainjured para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Ayon kay Cone, hinihintay na lamang nila ang aprubal ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para mailabas na ang papalit sa injured na si Castro.

Ilan sa mga napipili ni Cone na papalit ay si Kiefer Ravena kung saan kapag naaprubahan ito ng SBP ay maituturing na malaking tulong ito sa national team.

Magugunitang nagkaroon ng ankle injury si Castro kung saan aabot pa sa ilang buwan bago ito gumaling.

Naghahanda na rin ang Gilas Pilipinas sa ilang mga tune-up games sa mga susunod na araw bago ang pagsisimula ng 30th SEA Games.