-- Advertisements --

Kinailangan ng overtime game ng Washington Wizards bago tuluyang itinumba ang Toronto Raptors, 131-129

Dahil dito eliminated na ang Raptors sa play-in spot bunsod na apat na games silang malayo sa Wizards habang meron na lamang limang games na nalalabi.

Nauwi sa overtime ang banggaan ng dalawang koponan nang maipasok ni Fred VanVlet ang 3-pointer para sa Raptors kahit may dalawang segundo na lamang ang nalalabi. 

Nagsama ng puwersa sina Bradley Beal na may kabuuang 29 points at si Russell Westbrook ay naitala ang kanyang ika-34 na triple double performance.

Tumipon si Westbrook ng 13 points, 17 rebounds at 17 assists.

Nasayang naman ang 44 points ni Pascal Siakam kung saan napako sa 27 wins ang dating naging NBA champions.

Ang Wizards ay No. 10 sa Eastern na may record na 31-36 para humabol sa play-in tournament.