-- Advertisements --

Isinilang na ni Rachelle Ann Go ang unang anak nila ng asawang si Martin Spies.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang kayakap ang bagong silang na baby boy na pinangalanang Lukas Judah Spies.

Nanganak ang singer noong Marso 26 sa London, United Kingdom.

Magugunitang noong Abril 2018 ng ikinasal ang dalawa at mula noon ay nanirahan na sila sa London.