-- Advertisements --
Umangat na sa archdiocesan shrine ang estado ng St. John The Baptish Parish o ang Quiapo Church.
Ito ay matapos na aprubahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang petisyon ni parish’s Rector, Fr. Rufino Sescon Jr.
Isinagawa ang anunsiyo ng bagong estado sa misa na pinangunahan ni Fr. Reginald Malicdem ang archdiocese’s vicar general.
Sinabi ni Fr. Malicdem na ang nasabing estado ay matagal na nilang inaasam kung saan ilang milyong mga deboto ang nadagdag kada taon.
Plano nito ng isulong ang Quiapo Church na maging national shrine.
Taong 1987 ng italaga bilang Minor Basilica of the Black Nazarene ni dating Santo Papa at ngayon ay St. John Paul II.










