-- Advertisements --

Inanunsiyio ni Queen Margrethe II ng Denmark ang kaniyang pagbaba sa trono.

Sa surpresang anunsiyo nito kasabay ng New Year TV address, magsisimula na itong bababa sa puwesto sa Enero 14 kasabay ng ika-52 taon noong ito ay maupo sa puwesto.

Ang 83-anyos na nag-iisang reyna at pinakamatagal na nagsisilbing kasalukuyang monarch sa Europe ay naupo sa puwesto noong 1972 matapos na pumanaw ang ama nitong si King Frederik IX.

Ipinasa nito ang kaniyang trono sa anak na si Crown Prince Frederik.

Hindi tulad ng British royal tradition na walang pormal na crowning ceremony para sa 55-anyos na Crown Prince Frederik at isasagawa ang kaniyang pag-upo mula sa Amalienborg Castle sa Copenhagen.