-- Advertisements --

Nanawagan ng pagkakaisa si Queen Elizabeth II ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

https://www.facebook.com/watch/?t=1&v=2358703041088798

Sa kaniyang talumpati, sinabi nito na kapag nagkakaisa ang lahat ay tiyak na malalampasan ang krisis na dulot ng virus.

Pinasalamatan nito ang mga caregivers at mga essential workers na itinataya ang buhay mabigyan lamang ng serbisyo ang kanilang mamamayan.

Binigyan diinan nito ang hirap ng pagkakaroon ng self-isolation at sinabing dapat gamitin ang nasabing panahon para manalangin at magnilay-nilay.

Sa huli sinabi nito na may mga magagandang araw na darating pa.