Pinalawig pa ng International Press Center ang quarantine exemption sa mga mamamahayag ng hanggang Marso 26.

Ito ay dahil hindi naabot ang deadline na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na ngayong Marso 21.

Ang nasabing pagpapalawig ng deadline ay aprubado na ng task force.

Hindi kasi natapos ng International Press Center ang paggawa ng mga exemption pass dahil sa dami ng mga mamamahayag sa bansa ang nagpa-accredit.