Binawasan na ng Quezon City at Lungsod ng Maynila ang ipinapatupad nilang curfew hours.

Sa inilabas na memorandum mula sa dalawang lungsod magiging 10 p.m hanggang 5 a.m na lamang ang nasabing curfew.

Noong Marso kasi ay ipinatupad ang curfew sa oras ng 8 p.m. at 5 a.m.

Hindi kabilang sa mga curfew ay mga work-related na biyahe, emergency cases at yung mga may biyahe sa ibang bansa.