-- Advertisements --

Nasa Afghanistan ngayon si Qatari Foreign Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al-Thani.

Nakipagpulong ito sa prime minister sa bagong talagang Taliban prime minister.

Itinuturing kasi ang Qatar na isa sa mga bansang mayroong malakas na impluwensiya sa Taliban.

Tinulungan kasi ng Qatar ang US sa pagpapalikas ng kanilang mga mamamayan mula sa Afghanistan.

Kasamang nakipagpulong ni Sheikh Mohammed si Prime Minister Mullah Muhhammad Hassan Akhund at ilang mga senior ministers.

-- Advertisement --

Pinasalamatan ng mga opisyal ng Taliban ang Qatar dahil sa suportang ipinakita nito sa mga Afghans.