-- Advertisements --

Nadismaya ang Qatar sa naging pahayag sa kanila ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Netanyahu na lalong nagdadala pa ng problema ang pagiging mediator ng Qatar.

Inakusahan pa ni Netanyahu ang Qatar na sila ang nagpi-finance sa mga Hamas.

Ayon kay , Qatar’s foreign ministry spokesman Majed al-Ansari na ang pahayag na ito ni Netanyahu ay iresponsable at nakakasira sa buhay ng mga inonsenteng nadadamay sa kaguluhan.

Dagdag pa nito na tila binabalewala ng Israel ang ginagawang mediation efforts ng Qatar para tuluyang matigil na ang kaguluhan.

Magugunitang isa ang Qatar sa mga namamagitan para magkaroon ng tigil putukan ganun din ang palitan ng mga bihag sa pagitan ng Hamas at Israel.