Inaasahan kasi na ilang milyong mga soccer fans ang magtutungo sa kanilang bansa.
Dahil sa conservative Muslim nation ang Qatar ay limitado ang ilang aktibidad gaya ng pag-inom ng mga nakakalasing na inumin.
Ilan sa mga bansa na nagbukas ng kanilang pintuan para sa mga soccer fans ay ang Oman, Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Isa sa makikinabang na bansa ay ang Dubai dahil sa mayroong mahigit 90 flights ang inasahan sa araw-araw sa Doha at 40 naman ang magmumula sa UAE.
Dahi sa kakulangan na rin ng accomodation ay nagrenta ang organizers ng dalawang cruise ships at nagtayo na rin sila ng mahigit 1,000 tents sa disyerto.
Mayroon ding shuttle service na magkokonekta sa Doh at ilang mga lungsod kabilang ang Muscat, Riyadh, Jeddah at Kuwait.
Sa nasabing World Cup ay inaasahan ng Qatar ang pagdating ng nasa 1.2 milyon na mga football fans sa torneo na magsisimula sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 18, 2022.