Pinuri ni Russian President Vladimir Putin si US President Joe Biden.
Sinabi ng Russian President na naging constructive at well-balanced ang US counterpart niya.
Sa apat na oras na pag-uusap ng dalawa sa Geneva, Switzerland ay umikot ang kanilang talakayan sa nuclear arms control at cyber-attacks ng Russia.
Sa ginawang press conferences sinabi ni Putin na galing mismo sa US ang mga nangyayaring cyber-attacks sa Russia.
Nagkasundo rin ang dalawang lider na pabalikin ang mga ambassadors nila na pinaalis dahi sa mga iba’t-ibang alegasyon gaya ng pangingialam ng Russia sa US election.
Binigyan linaw din nito na ang dinanas ni Russian opposition lider Alexei Navalny ay nararapat dahil sa pagbalewala sa batas.
Magugunitang nilason ng nerve agent si Navalny habang ito ay nasa eroplano at nagpagamot sa Germany.
















