-- Advertisements --

Nagpahayag si Russian President Vladimir Putin na buksan muli ang Black Sea grain deal ang kasunduan na tutulong sa mga trigo mula sa Ukraine na umabot sa ibang mga bansa.

Ang nasabing pahayag ng Russian President ay matapos na bumisita sa kanilang bansa si Turkish President Tayyip Erdogan.

Si Erdogan ang siyang tumatayong namamagitan sa Ukraine at Russia na matigil na ang nasabing kaguluhan.

Sa nasabing pagbabalik ng Russia sa Black Sea grain deal ay maiiwasan na ang global food crisis.

Magugunitang nitong Hulyo ay umalis ang Russia sa nasabing kasunduan na ang namagitan dito ay ang Turkey at United Nation.