-- Advertisements --
Nagpasya si Russian President Vladimir Putin na hindi na dadalo sa Brics Summits sa South Africa sa susunod na buwan.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pahayag ni South African President Cyril Ramaphosa na kapag inaresto si Putin ng International Criminal Court ay isang pagdedeklara na ng giyera.
Ang South Africa kasi ay isang ICC signatory na inaasahang aarestuhin si Putin kapag ito ay tumapak sa kanilang bansa.
Napili na lamang dadalo sa dalawang araw na summit si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov.