-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nilagay sa lockdown ang isang punerarya matapos nag embalsamo ng bangkay na nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Maasin, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Maasin, Iloilo Mayor Francis Amboy, sinabi nito na matapos dinala sa ospital ang 105 taong gulang na pasyente, isinailalim siya sa RT-PCR test.

Ayon sa alkalde, tatlong araw pa matapos namatay ang centenarian ipinaalam na nagpositibo ito sa RT-PCR test.

Napag-alaman na pangunahing problema sa Western Visayas ang sobrang tagal na pagpapalabas sa resulta ng RT-PCR test bunsod ng libo-libong mga backlogs.