-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Bumaba pa ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUMs) sa probinsya ng Cotabato.

Sa pinakahuling datus na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng IPHO-Cotabato na bumaba sa 32 PUMs habang 2,012 naman ay tapos nang sumailalim sa 14-day home quarantine sa buong probinsya ng Cotabato.

Nasa 43 ka tao naman ang Persons Under Investigation (PUIs) at patuloy na naka-home quarantine habang 41 na ang cleared.

Naniniwala si Cotabato Governor Nancy Catamco na pagtutulungan ng lahat, pagsunod sa mga umiiral na mga hakbang ng gobyerno at sama samang panalangin upang labanan ang COVID-19 ay matatapos ito na ligtas ang lahat ng mga Cotabateno.

Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 free ang probinsya ng Cotabato.