Inaasahang posible nang makalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Pilandok, bukas araw ng Miyerkules o hindi naman kaya sa umaga ng Huwebes.
Ayon sa state weather bureau, gumagalaw na ang bagyong Pilandok, pa-northeastward na may bilis na 10 km / h.
Samantala, wala namang tropical cyclone wind signal ang itinataas pa sa ngayon ng state weather bureau.
Sa hiwalay naman na weather advisory, malakas na buhos ng ulan naman ang maaaring maranasan sa mga sumusunod na lugar dahil pa rin sa Southwest Monsoon o Habagat.
Narito ang mga lugar na makakaranas ng malalakas na pag-ulan:
Mula Miyerkules hanggang Huwebes ng hapon (September 3)
(50-100 mm): Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, and Zambales
Huwebes ng hapon hanggang Biyernes
(September 4)
(50-100 mm): Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, and Occidental Mindoro
Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng hapon
(September 5)
(100-200 mm): Occidental Mindoro
(50-100 mm): Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, and Antique
















