-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bayan ng Kabacan, Cotabato.

Sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, pumalo na sa 140 ang mga PUM.

Bagamat tumaas, dumadami naman ang mga nagsisipagtapos sa kanilang mga quarantine na aabot na sa 1,611 ang cleared.

Nananatili naman na isa ang suspected case sa bayan at isa rin ang confirmed case na binigyan ng extension ang kanyang quarantine upang matiyak na ligtas na ito sa COVID-19.

Nagpaalala si Kabacan Mayor Herlo Guzman sa taumbayan na mahigpit na sundin ang health protocols kontra COVID.