-- Advertisements --

Nagsagawa ng inspeksyon ang Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) sa paaralan kung saan boboto ang First Family sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Ito ay para matiyak na magiging mayos at may sapat na seguridad sa paaralan para pagboto ng pamilya Marcos bukas, Mayo 12.

Sa paralan ng Calayab Elementary School inaasahan na boboto bukas ang unang ginang kasama ang mga anak nito na si Joseph Simon at William Vincent.

Sa kabilang banda naman si Presidential sister Sen. Imee Marcos naman nakatakdang bumoto sa paaralang elementarya ng Cabeza kung saan apat na automated voting machines ang itinalaga ng Commission on Elections (Comelec).

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. naman kasama ang kaniyang ina na si former First lady Imelda Marcos ay nakatakda namang bumoto sa Mariano Marcos Memorial Elementary School na siya ring nainspeksyon na ng mga otoridad.

Samantala, patuloy na rin ang ginagawang paghahanda ng mga regional offices ng PNP para sa maayos na paglalatag ng seguridad bukas sa mismong halalan.