-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Naging emosyonal si Police Lt. Col. Jerry Tambis, hepe ng Malaybalay City Police Office matapos niyang matanggap ag report na napatay ng sariling armas ang isa sa kanyang tauhan habang binabaybay ang kalye ng Purok 4 Brgy. Agalayan, sa nasabing lungsod.

Nakilala ang na sawi na si Police Chief Master Sargeant Norman Nogalo, nakadestino sa operations branch ng kanilang opisina.

Ibinasura na ng mga imbestigator ang anggulong may foul play sa insidente dahil may mga nakasaksi sa biglang pagputok ng kayang personal na armas kung saan natamaan ang kanyang malaking ugat sa paa.

Sabi ng mga doktor, namatay si Sarhento Nogalo dahil sa maraming dugo na nawala sa kanyang katawan at sa layo ng distanya ng pagbiyahe ng ambulansya mula sa Malaybalay City, Bukidnon patungong Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro.