Sugatan ang isang pulis habang patay ang isang holdaper sa engkuwentro sa Maynila.

Sinabi ni Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Sta. Cruz Police Station, nagresponde sila sa naganap ng holdapan sa Blumentritt subalit ng tunguhin ang kinaroroonan ng mga suspek ay agad silang pinaputukan ng mga suspek.

Nabaril ng mga kapulisan ang suspek na si Rodel Vicente habang natamaan naman si Polce Cpl. Edhil Bombase.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang 9mm pistol, .38 revolver at P130,000 hinihinalang shabu na may timbang ng 50 gramo at 26 kapsula ng drug enhancer.