Patay ang isang pulis matapos na atakihin ng suicide bomber ang security post malapit sa US Embassy ng Tunisia.

Itinuturo ng mga kapulisan na kagagawan ng mga teroristang grupo ang insidente kung saan apat na pulis at isang sibilyan ang nasagutan.

Agad naman nagbabala ang US Embassy na iwasan ang nasabing lugar.

Nababahala ang bansa sa patuloy na pagdami ng mga sumasanib sa ISIS at al Qaeda.