Patay ang isang pulis matapos na bariling ng hindi pa kilalang suspek sa Maynila.

Nanonood lamang ng tv sa kantina ng kaniyang kapatid ang biktimang si Police Staff Sgt. Roel Orihuela ng pasukin ito ng hindi kilalang mga suspek at pinagbabaril ito.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Station 9 commander Lt. Col. Samuel Pabonito, kakauwi lamang ng biktima mula sa pagrereport sa Camp Crame.

Nakatalaga kasi sa Mindanao ang biktima at ito ay umuwi ng Maynila para mag-report sa Camp Crame.