LAOAG CITY – Tiniyak ni Brig. Gen Rodolfo Azurin Jr., PNP regional director ng PRO-1 na hindi kukunsintihin ang mga pulis na lalabag sa batas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Azurin, sinabi nito na walang pulis ang exempted sa anumang batas.
Ayon kay Azurin, dalawa lamang ang misyon ng PNP, ito ay ang malasakit sa kapulisan at kababayan at panatilihin ang kapayapaan.
Dagdag nito na dapat ay may disiplina at sundin ang lahat ng mga patakaran dahil sa pamamagitan aniya nito ay uunlad ang bansa lalo na sa Ilocos region.
Samantala, sinabi pa ni Azurin na kapag ipapatupad na ang new normal ay makikipag-ugnayan na sa mga opisyal ng barangay hinggil sa peace and order para mapanatili ang mababang crime rate sa rehiyon.
Ang bagong PNP regional director ay bumisita sa lalawigan para makilala ang mga chief of police ng Ilocos Norte at nag-courtesy call kay Gov. Matthew Marcos Manotoc at sa ina nito na si Senator Imee Marcos na kasalukayang nasa lalawigan.