-- Advertisements --

ILOILO CITY – Arestado ang isang pulis matapos magtangkang magpalusot ng 30 kahon ng alak sa Sta. Barbara, Iloilo.
Ang pulis ay kinilalang si Police Staff Sgt. Paul Inggoy na nakadestino sa Police Regional Office Region 6 (PRO-6), Camp Martin Delgado, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Reymond Celoso, hepe ng Sta Barbara Municipal Police Station, sinabi nitong napansin nilang tila mabigat ang dala ng sasakyan ng pulis kung kayat agad nila itong ininspeksyon.
Ayon kay Celoso, nang kanilang binuksan ang likuran ng kotse ng pulis doon na nakita ang kahon-kahong mga kontrabando.
Nakatakda namang sampahan ng kaso ang nasabing pulis.
















