-- Advertisements --

Napatunayang guilty ng federal judge sa Puerto Rico si Olympic boxer Felix Verdejo-Sanchez.

May kaugnayan ang kaso sa pagpatay niya umano ng isang babae at ang bata na nasa sinapupunan nito.

Lumabas sa pagsisiyasat ng korte na guilty ang boksingero sa pagdukot sa buntis na biktimang si Keishla Rodríguez Ortiz a na nangyari noong Abril 29, 2021 sa San Jose Lagoon sa Puerto Rico.

Matapos ang isang araw ng krimen ay naaresto rin ang boksingero.

Si Sanchez ay nakipaglaban noong 2012 Olympics.

Base sa imbestigasyon na pinainom pa ng droga ng suspek ang biktima at pinilit pa nitong ipalaglag ang bata na nasa sinapupunan nito.

Matapos ang insidente ay itinapon pa ng suspek ang biktima sa isang malapit ng ilog.

Itinakda naman sa Nobyembre ang pagbasa ng hatol nito sa kaniya.