-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Gagamitin ang public cemetery sa San Mateo, Isabela na libingan na rin ng mga baboy na isasailalim sa culling dahil sa African swine fever (ASF)

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan gagamitin ang backhoe ng pamahalaang lokal para sa paghuhukay ng libingan ng mahigit 100 na isinailalim sa culling na mula sa barangay Marasat Grande, San Mateo,Isabela.

Gayunman ay ilang residente ang tumanggi sa nais ng LGU na paggamit sa public cemetery bilang culling site ng mga baboy na infected ng ASF.

Samantala nakikipag-ugnayan na ang mga residente ng barangay San Guillermo, San Mateo, Isabela sa kanilang mga opisyal ng barangay may kaugnayan naman sa mga magiging hakbang ng pamahalaang lokal sa isasagawang mass culling.

Tulad ng barangay Marasat Grande, napagkasunduan din ng mga opisyal ng barangay San Guillermo na gamitin ang pampublikong libingan ng nasabing bayan bilang culling site ng mga kukuning baboy.