-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Philippine Sports Commission (PSC) na kanilang matatapos sa itinakdang panahon ang pagsasaayos ng Rizal Memorial Sports Complex para sa hosting ng bansa ng makasaysayang Philippine Women’s Open.

Ayon sa PSC na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagsaayos sa mga tennis court para sa torneo na magsisimula sa Enero 26 hanggang 21, 2026.

Sa tulong na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nakatuon ang trabaho sa pag-upgrade ng mga tennis courts at ilang mga pasilidad.

Sa nasabing paraan ay nakatuon ang kanilang strategic goals para sa kapakanan ng mga atleta at para mapalakas ang sports tourism sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng makabagong pasilidad.

Ang Philippine Women’s Open ay isang hard court tournament ay halos kasabay ng Australian Open na ang simula naman nito ay sa Enero 18 hanggang Pebrero 1, 2026.

Bagamat wala pang inilabas ang Women’s Tennis Association (WTA) na mga manlalaro ay gagamitin nila ang tatlo sa pitong mga playing courts ng Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi rin malinaw kung makakapaglaro si Pinay tennis star Alex Eala dahil dedepende pa rin ito sa kaniyang laban sa Australian Open.