-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sorprisang binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lalawigan ng Maguindanao.

Nakipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) LGU Officials,PNP at AFP Commanders sa Maguindanao.

Ininpeksyon ni PRRD ang mga armas na narekober ng militar sa ibat-ibang engkwentro nito sa mga rebeldeng grupo sa Maguindanao, North Cotabato,Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani Province.

Kasama ng Presidente si Senador Christopher”Bong”Go sa pagbisita nito sa Maguindanao.

Siniguro naman ni Pangulong Duterte ang kanyang buong suporta para sa ikatatagumpay ng BARMM. Hinikayat din nito ang lahat ng sangay ng pamahalaan na suportahan ang BARMM sa kanilang adhikain upang matupad na ang matagal na nilang pinapangarap na magkaroon ng isang mapayapa at maunlad na Mindanao.

Bago ang pagdating ng Presidente si Senador Go ay unang namigay ng tulong sa mga Vendors at mga Ustadz sa Sultan Kudarat Maguindanao.

Tinungo rin ni Go ang Cotabato Sanitarium Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat sa pagbubukas ng 109th Malasakit Center.

Ngayong araw Mayo 12 ay maglilibot si Senador Go sa North Cotabato at Kidapawan City.