-- Advertisements --

Pinasok ng mga protestes ang bakuran ng Swedish embassy sa Baghdad, Iraq.

Naganap ang insidente ng isang protesters ang nagsunog ng kopya ng Quaran sa bansang Sweden.
Ang nasabing paglusob ng mga protesters ay utos mismo ni Iraqi Shia cleric, Muqtada al-Sadr.

Nanawagan din ito ng pagpapatalsik sa Swedish Ambassador sa Baghdad.

Sinabi naman ng Swedish foreign ministry press office na ligtas naman ang mga empleyado ng kanilang embahada.

Agad ding naitaboy palayo ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Magugunitang isang lalaki sa Stockholm ang nagsunog ng kopya ng Quaran sa labas ng isang mosque kasabay ng pagdiriwang ng Eid-al-Adha.