Nagkasagupa ang mga kapulisan sa the Netherlands at protesters sa ilang bahagi ng Europa.
Sumiklab kasi ang kilos protesta matapos ang pagpapatupad ng bagong lockdown dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Nagsindi ng fireworks ang mga protesters at iniharap sa mga kapulisan ng The Hague.
Isinagawa rin ang kilos protesta sa malaking lugar ng Austria, Croatia at Italy.
Sinabi ni Dr. Hans Kluge ang regional director ng World Health Organization (WHO) sa Europe na kapag hindi sila maghigpit ay posibleng umabot sa kalahating milyon ang madagdag na mamamatay sa mga susunod na linggo dahil sa COVID-19.
Paglilinaw naman ni United Kingdom (UK) Health Secretary Sajid Javid na wala silang plano na magpalit ng travel rules sa pagitan nila ng Germany dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng Delta variant sa Germany.