-- Advertisements --

Tatalakayin ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukala ng Department of Health (DOH) na magdeklara ng national public health emergency dahil sa pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na kanilang ipinasa na ang memorandum ukol sa nasabing usapin kay Pangulong Marcos at kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Mayroon ng itinakdang petsa sa pulong kung saan ito ay makailang ulit na naipagpaliban dahil sa pagiging abala ng mga opisyal.

Kapag naideklara ang national public health emergency ay babalangkas ng programa ang DOH para tuluyang mapababa ang kaso ng HIV.