STAR FM CEBU- Iminungkahi ngayon ng Police Regional Office 7 (PRO-VII) na i extend muna ang general community quarantine(GCQ) sa lungsod ng Cebu dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso sa coronavirus disease 2019(COVID-19).
Ayon sa direktor ng PRO-VII Police Brigadier General Albert Ferro, hindi pa ligtas ang Cebu kung isailalim na ito sa Modified general community quarantine(MGC).
Sinabi pa ni Ferro na mas mabuti na manatili lang muna sa GCQ upang mababa pa rin ang mobility ng mga taong lumalabas.
Sa isang pulong ng Inter-Agency Task Force sa Cebu kasama si chief implementer against covid-19 Carlito Galvez Jr., iminungkahi nito na ibaba na sa MGCQ ang iba pang mga bahagi ng Central Visayas na hindi gaanong apektado ng virus.
Humanga naman si Galvez sa ginagawa ng mga gobyerno ng lungsod at probinsya sapagkat mayroon silang mga paraan upang mapangalagaan ang lahat ng mga nagpositibo sa covid-19.
Bukas, nakatakdang magpalabas ng anunsiyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon sa bansa kung dapat na bang luwagan ang quarantine sa iba’t ibang mga lugar sa Pilipinas.