Umapela ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko na makibahagi at makiisa sa community engagement program nito na βOperation: Private Eye (OPE)β.
Sa ilalim ng Operation: Private Eye, nagiging mata ng komunidad ang mga mamamayan laban sa pagkalat ng iligal na droga.
Dito ay nabibigyan sila ng pabuya at insentibo kapag naging aktibo sila sa pag-uulat ng mga nangyayaring kalakalan, paggamit, at pagkalat ng iba’t-ibang iligal na droga.
Kasama rin dito ang pag-report sa pagkakakilanlan ng mga drug personality, operasyon at posibleng source o pinagmumulan ng iligal na droga.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng sinumang impormante habang isasalang din sa masusing deliberasyon ang kanilang ibibigay na impormasyon, kasama na ang posibleng pagtanggap ng reward o pabuya.
Maaari namang gamitin ang OPE Hotline Number: 0917-867-7332 para sa pag-uulat ng mga impormasyong may kaugnayan sa iligal na droga.
Samantala, sa unang quarter ng 2025 ay nagawa ng PDEA na makapagbigay ng kabuuang P7 million na cash reward para sa kabuuang 16 informants
Naging daan ang mga impormante para makapagsagawa ang PDEA ng dalawampu’t-dalawang(22) matagumpay na anti-illegal drugs operations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.