-- Advertisements --

Surpresang binisita ni Prince William ang mga sundalo ng Britanya at Polish na nakatalaga sa border ng Ukraine at Poland.

Unang tinungo nito ang 3rd Brigade Territorial Defense Force na nakabase sa Rzezow.

Dito ay nakapulong niya si Polish Defense Minister Mariusz Blaszczak at ipinakit ang kanilang mga kagamitan.

Habang nasa lugar ay kinausap rin niya ang mga sundalo ng Britanya at Poland.

Matapos nito ay pinulong ng 40-anyos na royal Prince ang British Armed Forces at inalam kung paano ang koordinasyon nila sa mga sundalo ng Poland.

Lumapag ang kaniyang sinakyang eroplano sa Warsaw at sinabi niyang nasisiyahan siya dahil sa muling pagdalaw sa Poland.

Ikinatuwa niya ang mahigpit na ugnayan ng mga sundalo ng Britanya at Poland.