Nakalabas na sa pagamutan si Prince Philip.

Ito ay para makapagdiwang ng pasko ang Duke of Edinburgh sa Queen’s Sandringham Estate sa Norfolk.

Pinasalamatan naman ng Buckingham Palace ang mga nagdasal para sa mabilisang paggaling ng 98-anyos na si Prince Philip.

Magugunitang apat na araw nanatili sa pagamutan si Prince Philip dahil na rin sa payo ng kaniyang mga doctor.