Bumubuti na ang kalagayan ni Prince Philip matapos ang ilang araw na pananatili nito sa pagamutan.

Ayon sa kaniyang apo na si Prince William, na patuloy na binabantayan ng mga doctor ang lagay ng 99-anyos nitong lolo.

Ang asawa ni Queen Elizabeth II ay itinakbo sa King Edward VII hospital sa London noong nakaraang Linggo dahil sa panghihina ng katawan.

Nilinaw ng Buckingham Palace na walang kinalaman sa COVID-19 ang sakit ni Prince Philip.