prince harry
Harry and Meghan

Sinimulan na ni Prince Harry ang pagsampa ng kaso laban sa dalawang diyaryo dahil sa pag-hack ng kaniyang telepono.

Ayon sa Buckingham Palace, naisampa na ng Duke of Sussex ang kaso laban sa Daily Mirror at The Sun dahil sa nasabing insidente.

Magugunitang noong nakaraang araw ay sinampahan rin ng asawa nitong si Meghan ang Duchess of Sussex ang The Mail dahil sa paglathala ng kaniyang pribadong sulat ng hindi man lang ipinaalam sa kaniya.

Nagbunsod ang nasabing phone hacking noong 2011 kung saan ginamit ng diyaryo ang paghack sa telepono para makakuha ng ilang mga importanteng detalye at impormasyon.