Dinaluhan nina Prince Harry at Meghan, Duchess of Sussex ang huling aktibidad bilang senior members ng royal family sa taunang Commonwealth Service sa Westminster Abbey.

Kasama nila sina Prince Charles, Queen Elizabeth, Prince William at Duchess of Cambridge ganun din sina Prince Edward at Countess of Wessex.

Ito ang ang unang pagkakataon na magkasamang nakita sina Meghan at Queen Elizabeth sa Central London matapos na ianunsiyo ni Prince Harry ang kaniland desisyon na sila ay aalis sa Royal duty para maging “financially independent”.

Magugunitang tuluyan ng matatanggal sa kanilang royal duties si Prince Harry at Meghan sa Marso 31.