Nagpositibo sa coronavirus si Prince Charles, dating asawa ni Princess Diana, at kasalukuyang nagpapakita ng mild symptoms.
Kinumpirma ang balitang ito ng tagapagsalita mula sa Clarence House. Aniya, sumailalim na rin sa coronavirus testing si Duchess of Cornwall Camilla Parker ngunit negatibo ang resulta nito.
Umalis naman ng London si Queen Elizabeth para magtungo sa Windsor Castle.
“He has been displaying mild symptoms but otherwise remains in good health and has been working from home throughout the last few days as usual,”
Sa ngayon ay parehong naka-self isolate ang dalawa sa kanilang bahay sa Balmoral Estate, Scotland.
Aminado naman ang mga staff ng prinsipe na magiging mahirap ang contact tracing na isasagawa para malamang kung kanino nahawa ang prinsipe.
Ito ay dahil sa kabi-kabilang public engagements ng prinsipe noong mga nagdaang araw.